Mga nagparehistro para sa Barangay at SK Elections, mahigit 1.1-M na — COMELEC

Pumalo na sa mahigit 1.1 million ang mga nagparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon.

Sa pinakahuling datos ng Commission on Elections (COMELEC), pinakamarami sa mga bagong nagpatala ang mula sa Region IV-A o Calabarzon na may mahigit 113,000.

Sumunod naman ang Central Luzon na may mahigit 65,000 habang nasa 62,000 ang mga aplikasyon na naproseso ng poll body mula sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa COMELEC, mahigit 340,000 ang naghain ng aplikasyon para sa transfer o paglipat sa ibang lungsod o bayan.

Mahigit 324,000 naman ang bagong botanteng edad 18 pataas habang 266,000 ang mga aplikasyon para makaboto sa SK elections.

Tatagal ang voter registration hanggang ngayong May 18 habang itinakda ang mismong halalan sa unang Lunes ng Nobyembre.

Facebook Comments