Wednesday, February 11, 2026

Mga nagparehistro para sa BSKE sa BARMM, mahigit dalawang libo na

Umabot na sa 2,387 ang bilang ng nagpatala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa unang dalawang araw ng registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming nagpaparehistro ang Maguindanao Del Norte na umabot sa 789 kasunod ang Special Geographic Area na may 421 kabuuang bilang.

Hiwalay pa ang bilang na ito sa mga nagparehistro para sa BSKE sa 17 rehiyon at sa Main Office ng COMELEC sa Intramuros

Sa talaan ng komisyon, na ibinahagi ni COMELEC EID Director Atty Frances Arabe, umabot na sa 1,877,784 ang lahat ng nagparehistro, pinakamarami rito ay sa Region 4-A na lagpas
350 thousand na ang nagpatala.

Facebook Comments