Mga nagparehistro para sa eleksyon sa 2022, halos 3 milyon na

Pumalo sa 2,904,347 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro para sa halalan sa susunod na taon.

Sa datos ng Commission on Elections (Comelec), pinakamarami ang nagpatala para makaboto sa 2022 noong Enero hanggang Marso ngayong 2021 na umabot sa 1,436,604.

Sa halos 3 milyon, nasa 1,493,417 ang mga bagong nagparehistro na mula 18 anyos pataas.


Kasama rin sa datos ng Comelec ang mga nagpalipat ng presinto, nagpa-reactivate ng kanilang registration matapos mabigong makalahok sa nakalipas na ilang eleksyon at mga dating Overseas Filipino Worker (OFW) na nagbalik bansa dahil sa pandemya.

Facebook Comments