Ayon sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Election Officer 4 Atty. Christopher Thiam, sa ngayon ay kakaunti lamang ang nagtutungo sa kanilang tanggapan mula ng ilunsad ang pagpaparehistro noong lunes, December 12 hanggang January 31, 2022.
Kaugnay nito, hiniling ni Thiam sa publiko na magtungo na sa kanilang opisina at huwag nang hintayin ang huling linggo ng pagpaparehistro dahil maaaring magresulta umano ito sa mabagal na pagproseso.
Para sa mga bagong botante, magdala lamang ng valid id at para naman sa mga may gustong papalitan ang kanilang voters’ identification, ay humingi lamang sa ahensya ng Application for Correction of Entry at magdala ng kopya ng Birth Certificate.
Maaari nang magparehistro ang mga kabataang edad 15 bago ang nakatakdang halalan upang makaboto sa isasagawang Sangguniang Kabataan Election.
Ang mga kabataan na nasa edad 15 na nagparehistro na ay hindi na kinakailangan bumalik pa sa ahensya upang magparehistro pagtungtong ng edad 18, dahil otomatiko na itong papasok sa kanilang system at maaari na silang makaboto sa provincial at national elections.