Mga nagparehistro sa San Juan City para sa COVID-19 vaccine, nasa mahigit 58,000 na

Inihayag ni San Juan City Mayor Francisco Zamora na patuloy ang pagdami ng bilang sa nagpaparehistro para mabakunahan laban sa COVID-19.

Sa pinakahuling datos ng health department ng lungsod, umabot na ito ng 58,115 registrant, o 68.05 percent mula sa target nilang mabakunahan na 85,400 indibiduwal ng lungsod.

Mula sa nasabing bilang, ang bilang ng mga non-heath workers na nagparehistro ay nasa 54,458 habang 3,657 naman ang nagparehistrong mga heath workers.


Ang age group na may pinakamaraming bilang na nagparehistro ay age group mula 30 hanggang 50 years old, dahil meton itong 21,684 registrants.

Panawagan ni Zamora sa mga residente ng lungsod na huwag nang mag-alinlangan sa pagpaparehistro sa kanilang COVID-19 vaccination program upang maging ligtas laban sa nasabing sakit.

Facebook Comments