Nasa higit 11,000 na empleyadong nagpositibo sa COVID-19 ang natanggap na ang ₱10,000 na cash assistance benefit.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Employees Compensation Commission Executive Director Stella Banawis na kasama na rito ang mga tinamaan ng COVID-19 mula noong nakaraang taon.
Ayon kay Banawis, para sa mga kwalipikado ay kinakailangan munang mag-apply sa Social Security System o Government Service Insurance System ng Employees Compensation benefits at kapag naaprubahan ay dito na sila pwedeng magtungo sa kanilang tanggapan.
Nasa ₱10,000 ang matatanggap ng mga empleyadong nagkaroon ng COVID-19 sa kanilang trabaho habang ₱15,000 ang ibinibigay para sa death claims.
Facebook Comments