Mga nagpositibo sa COVID-19 na nabakunahan na, nasa 735 lamang – FDA

Napakababa lamang ng bilang ng mga nabakunahan na kontra COVID-19 pero nagpositibo sa sakit.

Ito ang inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) kung saan sa kanilang datos ay nasa 735 lamang ang nagpositibo mula sa higit 11 million na fully vaccinated na sa buong bansa.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, 116 dito ay tinatawag na breakthrough infections.


Samantala, sa kabuuan ay umabot na sa higit 40 million doses ng iba’t ibang COVID-19 vaccines ang natanggap ng bansa mula sa mga donasyon at binili ng gobyerno.

Facebook Comments