Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Brgy. Capri, Quezon City, umakyat pa sa 18

26

Umakyat na sa 18 ang mga nagpositibo sa COVID-19 matapos makipag-inuman ang lalaking dapat sana ay naka-quarantine sa Barangay Capri, Quezon City.

Ayon sa City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), agad silang nagsagawa ng swab testing matapos makipag-inuman ang lalaking nagkaroon ng closed contact sa kaanak nitong nasawi sa COVID-19.


Nabatid na aabot sa 1,000 indibidwal ang kinakailangang i-swab test ng CESU na nagkaroon ng contact sa mga naka-inuman ng nasabing lalaki.

Sa ngayon, limang kalsada na sa Brgy. Capri ang naka-special concern lockdown mula nang unang magpositibo sa virus ang 14 na indibidwal sa lugar.

Facebook Comments