Mga nagpositibo sa Covid -19 sa Maguindanao, nakarekober na!

Nakalabas na mula sa Isolation Center ng Maguindanao Hospital ang apat mula sa 12 indibidwal na nagpositibo sa COVID -19 na may travel history sa Cebu City.

Habang inaasahang ngayong linggo ay mairirelease na rin ang 8 iba pa sakaling magnegatibo na sa gagawaing repeat swab test ayon pa kay IPHO Maguindanao Chief Dra. Elizabeth Samama sa panayam ng DXMY.

Mariin namang inihayag ni Dra. Samama na nasa maayos na sitwasyon ang mga ito.


Stable rin ang condition ng 3 magkakapatid mula Shariff Aguak na pinakahuling nagpositibo sa Covid 19 dagdag pa ni Dra. Samama.

Samantala nasa 1147 na mga Locally Stranded Individuals habang nasa 187 na mga ROF ang nakaka avail na rin ng Balik Probinsya Program sa Maguindanao. Sumailalim rin ang mga ito sa proseso at mga test at karamihan ay nagnegatibo.

PGO PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments