Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City, patuloy pang tumataas

Hindi pa man sumasapit ang araw ng Pasko, patuloy na tumataas ang bilang ng active cases ng COVID 19 sa Quezon City.

Nadagdagan pa ito ng 125 mula sa 1,228 active cases noong December 20.

Nasa 1,353 na ang naitala kahapon mula sa 27,346 na kabuuang bilang na confirmed at validated COVID-19 cases.


Nadagdagan din ng tatlo ang nasawi na mayroon nang kabuuan na 753.

Pero ayon sa Quezon City Local Government, nasa 92% o 25,240 na COVID-19 patients ang naka-recover na sa sakit.

Pinakamaraming tinamaan ng COVID-19 ay sa District 4 na may 38 barangay kung saan umabot na sa 5,735 ang bilang.

302 ang kasalukuyan pang active cases, 122 ang pumanaw at 5,311 ang gumaling na.

Facebook Comments