Mga Nagpositibo sa COVID-19 sa Region 2, Nadagdagan; Bilang ng Gumaling, Tumaas

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ng dalawampu’t siyam (29) na bagong positibong kaso ng COVID-19 ang naitalang ng Lambak ng Cagayan.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa bilang na 29, ang apat (4) ay naiulat mula sa Cagayan, dalawampu’t apat (24) sa Isabela at isa (1) sa Santiago City.

Kasabay ng pagkakatala ng bagong bilang ng mga nagpositibo, nakapagtala naman ang rehiyon ng dalawampu’t pitong (27) nakarekober sa sakit kung saan sampu (10) ang gumaling sa Cagayan, labing lima (15) sa Isabela at dalawa (2) sa Lungsod ng Santiago.


Sa kasalukuyan, umakyat na sa 2, 472 ang total ng COVID-19 confirmed cases sa rehiyon at 553 ang aktibong kaso.

Tumaas naman sa 1,883 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 subalit nakapagtala naman ng 36 na death cases ang Cagayan Valley.

Facebook Comments