Mga nagpositibo sa COVID-19 sa South Korea, nadagdagan pa

Umabot na sa halos 6,000 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa South Korea.

Ayon sa foreign ministry ng Seoul – umabot na sa 5,766 nagkaroong COVID-19 habang 35 na ang nasawi.

Anila, 90 porsyento rito ay mula sa Daegu City sa North Gyeongsang Province na mayroong mahigit 4,300 kumpirmadong kaso.


Nagdagdag na rin ang Seoul Government ng 11.7 trillion won laban sa COVID-19 at para mas maimprove pa ang kanilang Infectious Disease Prevention System.

Ang South Korea ang pumapangalawa sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 na sumunod sa China.

 

Facebook Comments