Umabot na sa 55 katao ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila Public Information Office (MPIO), pinakaraming naitala sa area ng Sampaloc na mayroong 17 kaso ng COVID-19, tig-8 sa Sta. Ana at Sta. Cruz habang 4 sa Pandacan.
Nasa 3 kaso din ang naitala sa may bahagi ng Ermita, Sta. Mesa at Tondo – district 2.
Tig-dalawa naman sa Paco, Binondo at Tondo – district 1 kung saan tig-isa sa Malate, Baseco at area ng Quiapo.
Aabot naman sa 224 ang naitalang Person Under Investigation (PUI) habang pito na ang nasawi at isa ang nakarekober matapos tamaan ng COVID-19.
Sa pahayag naman ni Manila Mayor Isko Moreno, dadaan lahat sa confirmatory test ang mga PUI’s habang ang nag-iisang gumaling na pasyente ay sasailalim pa din sa re-confirmatory test para masigurong wala na itong virus.