Mga nagpupumilit na ibalik ang Dengvaxia vaccine, hinamon na unang magpaturok

Hinamon ni Senator Christopher Bong Go ang grupong Doctors for Truth and Public Welfare na unang magpaturok ng Dengvaxia vaccine.

Sa panayam ng media, sinabi ng senador na dapat mapatunayan muna ng Food and Drug Administration na safe ang vaccine at  100% na walang side effects bago muling gamitin.

Unang iginiit ng Doctors for Truth and Public Welfare na payagan na ng administrasyong Duterte ang paggamit ng dengvaxia sa kabila ng deklarasyon ng DOH sa dengue bilang epidemya.


Sa ngayon aniya dapat sumunod muna ang  lahat sa mga paalala at tagubilin ng DOH  para makaiwas sa sakit na dengue.

Kanina, pinangunahan ng senador ang pagbukas ng pang-40 malasakit center sa Valenzuela City Emergency Hospital.

Nagbigay ito ng halagang P5 milyong piso para sa inisyal na pondo na magagamit ng malasakit center.

Facebook Comments