Mga nagsusulong ng impeachment kay VP Sara, hindi pa maituturing na talunan

Iginiit ni Mamamayang Liberal o ML Party-list Rep. Leila de Lima na hindi pa maituturing na talunan ang mga nagsusulong ng impeachment kay Vice President Sara Duterte.

Diin ni De Lima, may pagkakataon pa ang Kamara na maghain ng motion for reconsideration sa desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklarang labag sa konstitusyon ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Tugon ito ni De Lima sa pahayag ni Davao City acting Mayor Sebastian Duterte na talo na ang mga nagsusulong ng impeachment laban sa kanyang kapatid kaya dapat tanggapin na nila ang pasya ng Korte Suprema.

Umaasa si De Lima na sa pamamagitan ng motion for reconsideration ay re-examination lalo na sa material and crucial facts na posibleng mali ang pagkaka-intindi ng Korte Suprema.

Facebook Comments