Naniniwala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na may hugot ang mga nagsusulong ng “One Mindanao” o ang panukalang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Ayon kay Dela Rosa, tiyak na may pinaghuhugutan ang mga proponents ng “One Mindanao” pero hindi naman nangangahulugan na ngayon din ay gugustuhin nilang maghiwa-hiwalay na ang bansa.
Pagtatanggol ng senador sa mga nagsusulong ng Mindanao secession, babala lamang ito na huwag silang pilitin na isulong ang paghiwalay ng rehiyon sa bansa.
Sakali namang itulak ng tuluyan ang paghiwalay ng Mindanao, nakasisiguro ang mambabatas na ito ay gagawin ng mga proponents sa legal na paraan at hindi gagamit ng pwersa o karahasan.
Pero kung si Dela Rosa ang tatanungin ay hindi siya sangayon sa paghihiwalay ng Mindanao region sa Pilipinas.
Sinabi ng senador na kapag nangyari ito ay kakailanganin pa niyang kumuha ng visa pag pupuntahan ang apo sa Batangas dahil magkaibang bansa na pala ang Mindanao at Luzon/Visayas.