Pinaghihinay-hinay ng Kamara ang mga nagsusulong na suspindihin ang excise tax sa langis.
Pinangangambahan ni Deputy Speaker Isidro Ungab na baka lalong makasama sa ekonomiya ng bansa kung suspindihin ang fuel excise taxes.
Ayon kay Ungab, tinatayang ₱100 billion ang mawawala sa kita ng gobyerno kung masususpindi ang ipinapataw na excise tax sa produktong petrolyo.
Mahirap din aniya ang panukalang ito dahil ang koleksyon mula sa excise tax ay naisama na sa projected revenue ngayong taon at may nakalaan ng mga proyekto para dito.
Giit ni Ungab, kung masususpindi ang excise tax sa langis, saan kukunin ang mawawalang pondo at magreresulta lang ito sa paglobo pa ng budget deficit at pagtaas ng interest rates.
Facebook Comments