Dumarami na ang mga kongresistang nagsusulong ng “mandatory COVID-19 vaccination” para sa mga Pilipino sa ating bansa.
Kasunod ito ng paghahain ni San Jose del Monte, Bulacan Rep. Florida “Rida” Robes ng House Bill 10249 o pagpapatupad ng mandatory na pagbabakuna ng COVID-19 vaccine para sa lahat ng mga eligible na Pilipino.
Paliwanag ni Robes, ang kaniyang panukala ay solusyon sa usapin ng kalusugan at ekonomiya.
Aniya, sa oras na mabakunahan ang karamihan sa mga Pilipino, marami ang mapoprotektahan laban sa COVID-19 na magreresulta rin ng pagbangon ng ekonomiya mula sa matinding epekto ng pandemya.
Nauna nang naghain si Cavite Rep. Elpidio Barzaga ng kaparehong panukala o ang House Bill 9252 na layon namang makamit ang “herd immunity” sa bansa.