Mga nagtaboy sa mga Pilipinong mangingisda sa Pagasa Island mga Chinese fishermen lang din ayon sa Chinese Ambassador sa Pilipinas

Inihayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na hindi mga Chinese Militar men o mga armadong chino ang humaharang o nanghaharas sa mga pilipinong mangingisda sa Pagasa island na una nang lumabas sa mga Balita.

 

Sa Interview kay Ambassador Zhao dito sa Malacañang bago makipagpulong kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo ay sinabi nito na maging sila ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa pangyayari.

 

Pero sinabi din ni Zhao na base sa kanyang pagkakaalam ay mga Chinese fishermen ang nasa lugar o mga naka harap ng mga Pilipinong mangingisda,


 

Sinabi din ni Zhao na hindi hinaharang ng mga Chinese fishermen ang mga Pilipino at wala ding dalang armas ang mga ito.

Facebook Comments