Mga nagtatag ng community pantry sa QC, umabot na sa 70

Nadagdagan pa ang mga nagtayo ng community pantry sa buong Quezon City.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, mayroon nang 70 na mga organizers ang nagtayo ng community pantry sa kani-kanilang mga lugar.

Nakakuha umano ng inspirasyon ang mga ito sa Maginhawa Community Pantry na unang itinayo ni Ana Patricia Non.


Pinaalalahanan naman ng alkalde ang mga organizers na makipag-ugnayan sa mga barangay upang tulungan sila sa pagpapatupad ng safety and health protocols sa kani-kanilang mga lugar.

Nilinaw din ni Belmonte na walang permit na kakailanganin sa pamamahagi ng ayuda sa mga nangangailangan.

Facebook Comments