Mga nagtatrabaho pero hindi residente ng Taguig, isasama sa mga mababakunahan

Inihayag ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na plano na nilang isama sa kanilang COVID-19 vaccination program ang mga manggagawa sa Taguig kahit hindi sila residente ng lungsod.

Paliwanag ni Cayetano, dahil sa lungsod sila nagtatrabaho, maaari umano nilang makuha ang nasabing sakit sa lungsod.

Kaya aniya kung bubukasan na ang pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa A4 o economic frontliners, hindi umano siya magdadalawang isip na isama mga nagtatrabaho sa lungsod kahit hindi sila naininirahan sa lugar.


Batay sa datos ng Taguig Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU), nasa 36,196 na ang nabakunahan sa Taguig, kung saan kabilang dito ang A1, A2, at A3 priority list.

Samantala, inihayag din ng alkalde ng Taguig na maaari nang mamili ng oras at vaccination site ang mga residente ng lungsod na gustong magpabakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments