MGA NAGTITINDA NG BIGAS SA PALENGKE SA DAGUPAN CITY, HINDI MUNA NAGBEBENTA NG REGULAR AT WELL MILLED RICE; KUNG BAKIT, ALAMIN

Walang makikitang regular milled rice at well milled rice na ibinebenta ngayon sa Malimgas market sa Dagupan City dahil umano wala pang nagbabagsak ng naturang uri ng bigas, ayon sa mga tindera sa palengke.
Ayon sa mga tindera ng bigas, paano naman nila umano maiimplementa ang pagkakaroon ng 41 pesos na regular milled rice at 45 pesos na well milled rice kung wala pang nag-haharvest dahil sa patuloy na pag-uulan.
Kung sakali man na mayroon ay panigurado umanong gagamit umano ang mga naghaharvest ng dryer na siyang dadagdag pa rin sa presyo nito kada sako.

Maaari umanong nilang maibaba ang presyo ng regular at well milled rice kung ibabagsak umano ng mga rice millers sa 1000 pesos kada sako ang naturang bigas ngunit sa ngayon kasi ay pumapalo pa sa 1,200 hanggang 1,300 pesos ang kada sakp ng regular at well milled rice kung kaya’t nahihirapan ang mga tindera na ibaba sa ibinigay na price ceiling ng Pangulong BBM.
Sa ngayon ay nakatakdang mag inspeksyon ang DTI sa Malimgas Market upang tignan ang presyo ng mga bigas ngayon at kung sakali man na may makikita silang nagtitinda ng regular at well milled rice na hindi sumusunod sa itinalagang presyo. |ifmnews
Facebook Comments