MGA NAGTITINDA NG KANDILA, NAGSULPUTAN NA SA MGA SEMENTERYO

Nagsulputan na ang mga nagtitinda ng kandila sa paligid ng mga sementeryo sa Dagupan City para sa nalalapit na Undas.

Kanya-kanyang tent na ang nakahilera sa harap ng Roman Catholic Cemetery kung saan makikita ang iba’t ibang klase ng kandila.

May mabibiling extra small na puting kandila sa halagang 45 pesos kada pack, 40 pesos naman sa small size, 45 pesos sa medium size, at 55 pesos sa pinakamalaki.

Mayroon ding kulay orange na kandila na mabibili sa halagang 10 pesos ang tatlong piraso.

Inaasahan na dadami pa ang mga magtatayo ng pwesto sa harap ng sementeryo upang magbenta hindi lamang ng kandila, kundi pati ng mga bulaklak at pagkain habang papalapit ang Undas.

Facebook Comments