Mga nagtitinda ng SIM card at naniningil para tumulong sa SIM users na magrehistro, walang batas na nilalabag ayon sa DICT

Walang nalalabag na batas ang mga nagtitinda ng SIM card at naniningil ng nasa Php20 sa pag-asiste sa mga SIM user para sa kanilang SIM registration.

Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni DICT Secretary Ivan Uy na private transaction na kasi ito sa pagitan ng SIM holder at SIM retailers.

Sinabi ng kalihim, dahil data naman ng mga nagbebenta ng SIM card ang ginagamit, maitutuing na resonable ang paniningil ng mga ito ng Php20.


Makatutulong aniya ang mga ganitong pagtulong, lalo na sa mga indibidwal na hindi naman ‘tech savy’, o hindi masyadong expert sa internet o teknolohiya.

 

Facebook Comments