Walang nalalabag na batas ang mga nagtitinda ng SIM card at naniningil ng nasa P20 sa pag-asiste sa SIM users para sa kanilang SIM registration.
Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan Uy na private transaction na kasi ito sa pagital ng SIM holder at SIM retailers.
Sinabi ng kalihim, dahil data naman ng mga nagbibenta ng SIM card ang ginagamit, maituturing na resonable ang paniningil ng mga ito ng P20.
Makakatulong aniya ang mga ganitong pagtulong, lalo na sa mga indibidwal na hindi naman tech savy, o hindi masyadong expert sa internet o teknolohiya.
Kahapon, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapalawig ng SIM card registration ng 90 araw.
Facebook Comments