Matapos magkasundo ang Metro Manila Mayors sa pagpapasara ng mga sementeryo ngayong Undas, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager at Metro Manila Council (MMC) Spokespersons Jojo Garcia, papahintulutan pa rin ang magtinda ng mga bulaklak at kandila sa labas ng mga sementeryo.
Anyia, ang nais ng MMC ay kailangang masunod pa rin ang health protocols laban sa COVID-19.
Kaya lang aniya, bago ang October 29, 2020 ay dapat wala nang magtitinda sa labas ng mga sementeryo dahil isasara na ito sa publiko.
Mas mainam ito dahil mas maraming araw na silang maaaring magtinda, dahil kahit ngayon pa lang ay pwede na silang magtinda ng mga bagay kauganay sa Undas.
Magpapatupad naman aniya ang mga Local Government Unit (LGU) ng Metro Manila ng mga panuntunan upang matiyak na hindi ito magiging sanhi ng pagkalat o magkahawaan ng virus.
Kaugnay naman sa lalabas at babalik ng Metro Manila, susundin pa rin ang kasalukuyang ruling ng pagbibiyahe sa mga lungar na nasa ilalim ng quarantine status.