Mga nagtutulak umano ng ilegal na droga sa Muntinlupa City, arestado sa buy-bust operation

Timbog ang tatlong indibidwal na nagtutulak umano ng shabu sa lungsod ng Muntinlupa matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila pasado alas-8:00 kagabi sa may Philippine National Railways (PNR) Site Purok 7 Brgy. Poblacion.

Nakilala ang mga suspek na sina Myra Flore Delos Reyes, alyas ‘Myra tomboy’, 30-anyos, Airan May Sarraga Delos Santos, 25-anyos at Buenaventura Gonzales Arias Jr., 24-anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P10,200 at buy-bust money na P200.


Ginawa ang nasabing operasyon matapos makumpirma ang mga ilegal na transakyon ang mga suspek kaugnay sa ipinagbabawal na droga sa naturang lugar.

Nakakulong na ang mga suspek sa Muntinlupa Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments