Mga nagtutungo sa Manila North Cemetery, mas kakaunti na kumpara kahapon

Simula kaninang alas-5:00 ng madaling araw hanggang ngayon ay nasa 10,600 na ang crowd estimate sa Manila North Cemetery.

Hindi hamak na mas kakaunti ito kumpara kahapon na sa ganitong oras ay daang libo na ang nakapasok  sa Manila North Cemetery at dumalaw sa kanilang mga mahal sa buhay na dito ay nakahimlay.

Abiso sa mga motorista, ngayon ay isinara na uli sa mga sasakyan itong mga lansangan sa paligid ng Manila North Cemetery pangunahin itong bahagi ng Blumentritt street sa tapat ng sementeryo.


Mainit ang lagay ng panahon kaya malaking tulong ang e-tricycle na nagkakaloob ng libreng sakay patungo sa looban nitong napakalawak na Sementeryo del Norte.

Pumipila para makasakay sa e trike ang mga senior citizen, mga buntis, may kapansanan at may kasamang mga bata.

Alas-syete mamayang gabi ay muling isasara itong North Cemetery.

Facebook Comments