Inilabas na Government Service Insurance System (GSIS) ang mga nagwagi sa 16th National Art Competition na ginanap nitong ika-25 ng Hunyo na may temang “Alay na Ginhawa sa Panahon ng Pandemya.”
Kabuuang 1,451 art entries mula sa iba’t ibang kategorya ang natanggap ng GSIS na kinabibilangan ng; Representational, Non-Representational (Abstract) at Sculpture/Relief.
Ito na ang pinakamataas na bilang ng artworks na ipinadala sa GSIS magmula sa sinimulan ito noong 2004.
Tumataginting na Php300,000 ang natanggap ng top winners para sa Representational and Non-Representational (Abstract) painting categories at Php250,000 sa nagwagi sa Sculpture category.
Habang ang ikalawa at ikatlong nagwagi sa tatlong kategorya ay nakatanggap ng Php200,000 at Php100,000 at Php25,000 bawat isa sa apat na Honorable Mentions.
Ang mga nagwagi ay ang mga sumusunod:
Representational painting category…
John Mhar Santos (1st place for Parcel No. 143)
Ryan Joseph Casiles and Edu Perreras (2nd and 3rd place for Yakapsul at Doble Kayod)
Non-Representational (Abstract) painting category,
Seifred Guilaran (1st place Brush Stroke Imitation)
Rick Hernandez (2nd place Tale of Two Variants)
Herbert Pajarito (3rd place Look Up in the Sky)
For Sculpture
Sariel Armando Ancheta (1st place para sa Tatsulok)
Dante Blanco (2nd place Dalangin)
Wilfredo Custodio (3rd place Ang Hardinera)
Honorable mentions;
Joemel Mirabuena (Silver Lining)
Christian Cabillo (Sakripisyo ng Maginhawang Bukas)
Norberto Mallari (Pakunswelo)
Edmond Reboredo (Be Positive – Be Negative)
Ang awarding ceremonies ay matutunghayan sa GSIS Museo ng Sining Facebook account hanggang August 31, 2021.