Bumida muli ang mga kabataan sa siyudad ng Alaminos matapos ipamalas ang kanilang galing sa paggawa ng pelikula sa katatapos lamang na 5th Hundred Islands Film Festival 2025.
Dito ay muling pinatunayan ng mga estudyante ang kanilang husay sa larangan ng filmmaking na kahit sa murang edad tampok ang kani kanilang orihinal na konsepto ng paggawa ng pelikula.
Ngayong taon, nakuha ng pelikulang “Under The Table” ang Best Film Award. Pumangalawa naman dito ang “Cash Cash To Heaven” at sinundan sa 3rd Best Film ng “Hataw”.
Wagi rin bilang Best Poster, Best Production Design, Best Editing, at Best Sound ang film na “Hataw” samantalang Tourism Choice naman ang sa “Cash Cash In Heaven”.
Ang Best Film na “Under The Table” ay naguwi rin ng minor awards na Best Musical Score, Best Screenplay, at nagmula rin dito ang tinanghal na Best Actor na si CJ Cerezo Jr.
Sina Branden Josh Domingo at Gian Carlo Ducusin naman ng Under The Table ang tinanghal bilang Best Director.
Ang Hundred Islands Film Festival ay isang Youth Oriented Cultural Arts Program na naglalayong i-promote ang galing ng mga kabataang Alaminians sa paggawa ng pelikula.
Ito ay sinimulan ng Layag Productions ng Alaminos National High School sa tulong ng Alaminos City Tourism Office at ng Alaminos Local Government Unit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









