MGA NAGWAGI SA INTER-COLLEGIATE ATHLETIC COMPETITION AT LGU OLYMPICS 2025, KINILALA SA ALAMINOS CITY

Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ang mga nagwagi sa Inter-Collegiate Athletic Competition 2025 at LGU Olympics 2025 sa idinaos na unang Flag Raising Ceremony para sa taong 2026 nitong umaga.

Bahagi ng programa ang pagbibigay-parangal sa mga indibidwal at grupong nagpakita ng kahusayan, disiplina, at diwa ng pagkakaisa sa mga naturang paligsahan.

Ginawaran rin ang Blue Team ng LGU bilang Overall Champion ng LGU Olympics matapos mangibabaw sa iba’t ibang kategorya ng palakasan at mga aktibidad.

Kasabay ng pagkilala, ipinaalam din sa publiko ang pagbubukas ng aplikasyon para sa Libreng Kasal 2026, gayundin ang pagsisimula ng business permit renewal para sa mga negosyante sa lungsod.

Ibinahagi rin ang impormasyon hinggil sa Miss Hundred Islands 2026 – North Central Luzon Screening na inaasahang magsisilbing daan sa pagpili ng mga kinatawang magtataguyod ng kagandahan, talino, at kultura ng rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments