Itinanghal na Best Picture ang Nomadland sa katatapos lang na 93rd Academy Awards o Oscars.
Nakuha ni Frances McDormand ang Best Actress award para sa Nomadland kung saan tungkol ito sa isang babaeng iniwan ang kanyang hometown matapos mamatay ang kanyang asawa para maging “houseless” at libutin ang buong Estados Unidos.
Pagkatapos naman ng halos tatlong dekada, muling nagwagi ang veteran actor na si Anthony Hopkins sa Oscars bilang Best Actor para sa kanyang pagganap sa The Father.
Ang direktor ng Nomadland na si Chloe Zhao ay gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Asian at woman of color na na-nominate at nanalong Best Director.
Ang veteran actress naman na si Yuh-Jung Youn ang kauna-unahang Korean actress na nanalo sa Oscars kung saan itinanghal siyang Best Supporting Actress para sa kanyang pagganap sa Minari.
Ang itinanghal namang Best Supporting Actor ngayong taon ang British actor na si Daniel Kaluuya para sa kanyang pagganap bilang American activist na si Fred Hampton sa Judas and the Black Messiah.
Ginanap ang virtual awards night sa Dolby Theatre sa Hollywood, California, nitong Linggo ng gabi, (April 26 ng umaga sa Pilipinas).