Mga nahalal na lider ng Kamara ngayong 20th Congress, nanumpa na

Nanumpa na ang mga nahalal na lider ng Kamara para sa 20th Congress.

Sa plenary session ng House of Representives ay pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kanilang panunumpa na kinabibilangan nina House Deputy Speakers:

– Rep. Janette Garin
– Rep. Yasser Alonto Balindong
– Rep. Paolo Ortega V
– Rep. Jefferson Khonghun
– Rep. Kristine Singson-Meehan
– Rep. Ronaldo Puno
– Rep. Faustino Dy III
– Rep. Ferjenel Biron
– Rep. Raymond Mendoza

Nanumpa din sina:
– House Majority Leader Sandro Marcos
– House Minority Leader Marcelino Libanan
– House Secretary General Reginald Velasco
– House Sgt. At Arms Napoleon Taas

Gayundin si House Senior Deputy Majority Leader Rep. Lorenz Defensor.

Tiniyak naman ni Speaker Romualdez na pangunahing itataguyod ng Kamara ang mga panukalang batas na makatutugon sa pangangailangan ng mga pangkaraniwang mamamayan tulad ng pagkain, trababo, edukasyon at kalusugan.

Facebook Comments