Mga naharang na taxi sa EDSA pinauwi na pero kinunan ng larawan ang mga lisensya ng mga drayber

Hindi na impound at pinauwi na muna ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group (HPG) ang mga taxi drivers na nagpumilit pa ring mamasada sa kabila ng suspensyon ng biyahe ng pampublikong sasakyan dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine ng gobyerno para labanan ang COVID-19

Ayon kay PNP HPG Director Police Brigadier General Eliseo Cruz, kinunan na lang nila ng larawan ang lisensya ng mga taxi driver at pinauwi na rin ang mga ito.

Pero, nilinaw ni Cruz na binigyan nila ng babala ang mga tsuper sa panganib na dulot ng COVID.


Maliban pa yan sa mga paglabag na kanilang kahaharapin sa kanilang pagsuway.

Kanina ay ilang oras na nakastandby ang halos 600 mga taxi sa may north at south bound lane ng EDSA Santolan sa Quezon City dahil hinintay pa ng PNP HPG ang pasya mula sa Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) kung ano ang gagawin sa mga taxi na kanilang naharang.

Facebook Comments