Nasa higit 25,000 na pamilya sa Dagupan City na ang nahatiran ng tulong sa pamamagitan ng mga isinasagawang relief operations ng DSWD katuwang ang lokal na pamahalaan.
Nagpapatuloy pa ang pamamahagi ng tulong kung saan nahatiran na rin ang ilan sa island barangay tulad ng Barangay Pugaro.
Kasama sa food packs at bigas ang iba pang dagdag na pagkain tulad ng tinapay at tubig.
May mga Hygiene kits rin na ipinamahagi mula sa Department of Health.
Nagpaalala naman ang City Health Office ukol sa pag-iingat sa paglusong sa tubig baha at wastong pag-inom ng gamot na Doxycycline para makaiwas sa ibat ibang uri ng sakit na maaaring makuha sa tubig baha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









