Iginiit ni Senator Richard Gordon na hindi maaring gamitin ng mga nahatulan sa ampatuan massacre case ang Good Conduct Time Allowance o GCTA Law para mapaiksi ang panahon ng kanilang pagkakabilanggo.
Diin ni Gordon, maliwanag sa GCTA Law na hindi kwalipikado sa maari makinabang dito ang mga gumawa ng karumal dumal na krimen tulad ng Ampatuan massacre kung saan 58 ang pinatay.
Si Gordon ang chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights na nanguna sa mga pagdinig ukol sa kontrobersyal na implementasyon ng gcta law kung saan muntik ng makalaya si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez, mga drug lord at iba pang sentyensyado sa karumal-dumal na krimen.
Naging bunga ng pagdinig ang pagrepaso sa implementing rules and regulations o IRR ng GCTA law na nagbigay linaw na hindi ito maaring gamitin para mapaiksi ang sentensya ng mga napatunayang nagkasala sa malalagim at karumal dumal na krimen.