Mga nahawa sa COVID-19 sa hanay ng PNP, umakyat na sa 42,248

Umakyat na sa 42,248 ang bilang ng mga nahawa sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay matapos makapagtala ang PNP Health Service ng panibagong dalawang pulis na nahawa sa virus.

Sa nasabing bilang, 14 ang aktibong kaso.


Isa naman ang naitalang gumaling na pulis para umakyat na sa 42,109 ang recoveries.

Habang nananatili sa 125 ang mga nasawi sa hanay ng PNP.

Facebook Comments