Mga nahuhuling lumalabag sa anti-distracted driving law, pumalo na sa 114

Manila, Philippines – Pumalo na sa 114 ang nahuli ng mga tauhan ng MMDA sa unang araw ng pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA).

Ayon kay MMDA Spokesman Celine Pialago – 68 sa naturang bilang ay pawang mga motorcycle rider, 28 ang nagmamaneho ng kotse, 3 ay bus drivers at dalawang driver ng truck.

Nahuli ang mga ito sa pamamagitan ng kuha ng 275 na CCTV ng MMDA na nakakalat sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.


Dahil HD ang mga camera, kitang-kita ang mga motorista na gumagamit ng cellhone habang nagmamaneho, kahit pa tinted ang kanilang sasakyan.

Karamihan sa mga nahuli ay nakitang tumatawag gamit ang kanilang cellphone, ang iba naman ay mistulang may pinapanood.

Facebook Comments