Mga Nahuhuling Lumalabag sa GCQ sa Bayan ng Tumauini, Patuloy na Dumarami!

Cauayan City, Isabela- Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa mga alituntunin sa ipinapatupad na General Community Quarantine sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ni PMaj. Rolando Gatan, hepe ng PNP Tumauini, nasa 15 violators nanaman sa GCQ ang kanilang nahuli at karamihan sa mga ito ay mga lumabag sa physical distancing.

Tatlo mula sa 15 ay pawang mga estudyante na residente ng Brgy. District 3, Tumauini at lumabag naman sa Unauthorized Person Outside Residence.


Ang nasabing bilang ay nahuli sa iba’t-ibang checkpoints ng pulisya sa naturang bayan.

Kaugnay nito, patuloy naman ang pagpapaalala ni PMaj. Gatan sa kanyang mga kababayan na sumunod lamang sa mga ipinapatupad na patakaran upang hindi magaya sa mga nahuli.

Facebook Comments