Nakitaan ng pamunuan ng POSO Dagupan ang pagdami ng mga riders at drivers na nahuhuling lumalabag sa traffic rules lalo na tuwing sasapit ang gabi.
Ayon kay POSO Chief Arvin Decano, nakikitang dahilan ang pagtigil pansamantala ng mga night shift na mga traffic enforcers na nakaduty nitong mga nagdaang araw dahil sa Holy Week. Full deployment daw kasi umano ang mga POSO officers sa lahat ng naging prosesyon o aktibidad alinsunod sa paggunita ng semana santa sa lungsod. Kaya naman, siguro umano naisip ng mga motorista na baka wala ng enforcers ang nakaduty sa gabi.
Pangunahing traffic violation ay ang hindi pagsuot ng helmet. Ang multa nito ay 1,500 pesos. Isa rin ang counterflow o ang mga sasakyan na magmaneho nang pasalubong sa trapiko.
Paninigurado naman ng POSO Dagupan na magpapatuloy ang night shift duty upang mabantayan pa rin ang kalsadahan kahit pa sa gabi at upang makaiwas na rin sa mga nagaganap na mga road accidents.
Paalala ng enforcers ang mahigpit na pagsunod sa mga batas trapiko upang iwas abala para sa kanila at hindi na mag-aksaya ng pera sa multa. |ifmnews
Facebook Comments