Umabot na sa 1,289 violators ang nahuli ng Philippine National Police (PNP) matapos na lumabag sa election gun ban simula Enero 9.
Batay sa PNP Public Information Office (PIO), kabilang sa mga nahuli ang 1,247 na sibilyan; 13 na security personnel; 10 na pulis at walong tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nasa 980 na mga baril ang nakumpiska sa mga ito kung saan 799 ay mga pistol at handguns habang ang 37 ay mga light weapons gaya ng rifle at submachine.
Mayroon ding 67 na iba’t ibang klase ng baril, 52 replica at 25 na hindi pa matukoy na mga armas.
Nakakuha rin ang PNP ng 406 na bladed weapons at 60 explosive devices at 5,871 na mga bala.
Karamihan sa mga lumabag sa gun ban ay mula sa National Capital Region (391), Calabarzon (132), Central Visayas (122), Zamboanga Peninsula (93), at Western Visayas (78).