Mga nahuling election gun ban violator, umabot na sa 444 — PNP

Umabot na sa 444 ang naarestong indibidwal na lumabag sa election gun ban matapos madagdagan ng 34 na bagong violator.

Batay sa Philippine National Police (PNP), ang mga bagong nahuli ay pawang mga sibilyan kung saan nakumpiska ang 20 armas, 118 bala, at 13 na deadly weapons.

Naaresto ang mga lumabag sa Sultan Kudarat, Laguna, Cebu, Capiz, Masbate, Cebu City, Davao Occidental, Pangasinan, Mandaluyong, Valenzuela, Muntinlupa, Manila, Pasig, Navotas, Bulacan, Caloocan, Quezon City, at Albay.


Umabot din sa 4,819 checkpoint ang inilalatag ng PNP araw-araw.

Sa ilalim ng Commission on Elections (COMELEC) Resolution No. 10728, ipinagbabawal ang pagdadala ng baril o kahit anong deadly weapon sa labas ng kanilang bahay o sa mga pampublikong lugar mula Enero 9 hanggang Hunyo 8.

Exempted naman dito ang mga tagapagpatupad ng batas basta may pahintulot mula sa COMELEC o sa ahensyang pinapasukan.

Facebook Comments