Mga nahuling gun ban violators, umabot na sa mahigit 1,800

Umabot na sa 1,853 ang mga naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa Commission on Elections (COMELEC) gun ban.

Ito ay sa 1,746 checkpoint operations mula Enero 9 hanggang ngayong araw.

Batay sa tala ng PNP Command Center, 1,785 sa mga naaresto ay sibilyan, 27 ang security personnel, 15 ang miyembro ng PNP, siyam ang tauhan ng AFP, at 17 ang iba pa.


Karamihan sa mga naaresto ay sa National Capital Region na nasa 672; habang 206 ang naaresto sa Region 4A; 200 sa Region 7; 177 sa Region 3; at 97 sa Region 6.

Nakumpiska sa mga ito ang 1,428 firearms; 678 deadly weapons; at mahigit 7,800 bala.

Facebook Comments