Mga nahuling iligal nagpaputok ng baril nanatili pa rin sa 18 ayon sa PNP

Walang naidagdag sa bilang ng mga nahuling iligal na nagpaputok ng kanilang baril.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac.

Aniya 15 sibilyan, dalawang sundalo at isang pulis ang naitatala pa rin nilang lumabag hanggang kahapon January 30.


Habang pito pa rin ang naitatala ng Philippine National Police (PNP) na biktima ng Ilegal discharge of firearms.

Nanatili rin sa 3 ang insidente ng stray bullet na namonitor sa region 13 at NCR.

Sinabi ni Banac bukas pa ng alas 6 ng umaga muling magbibigay ng update ang PNP sa mga nahuli kung meron man.

Facebook Comments