Dumami pa ang mga indibidwal na nahuli ng Joint Task Force COVID-19 Shield na lumabag sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay JTF COVID-19 Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, simula March 17 hanggang kahapon (April 12) umakyat na sa 108,068 individuals ang naaresto dahil sa paglabag sa ipinatutupad na ECQ.
Sa bilang na ito mahigit 64,000 violators ay naitala sa Luzon, 19,279 violators sa Visayas at 23,863 naman sa Mindanao.
Sa mga nahuli, mahigit 76,000 ay pinauwi rin matapos bigyan ng warning habang halos 5,000 violators ay pinagmulta dahil sa paglabag.
Samantala, umakyat na rin sa 680 indibidwal ang hinuli ng JTF COVID-19 Shield dahil sa pagho-hoard at pagbebenta ng overpriced medical equipment at iba pang pangunahing pangangailangan.
Patuloy naman ang panawagan ni Lt. Gen. Eleazar sa publiko na hangga’t maari manatili sa bahay upang maiwasan na ang pagkalat ng virus.