Mga nahuling lumabag sa motorcyle back-ride restriction, umabot na sa mahigit 20,000 ayon sa JTF COVID Shield

Mahigit 20,000 mga motorcycle riders na ang nasita ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa quarantine restrictions sa pag-aangkas sa motorsiklo.

Matatandaang pinahihintulutan ang back-ride sa mga motor sa kondisyon na mag-asawa lang o live-in partner ang magkaangkas, at dapat mayroong nakakabit na awtorisadong barrier sa pagitan ng driver at pasahero.

Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, simula July 10, 2020, umaabot na sa 10,932 motorcycle riders ang nasita dahil sa pagkakaroon ng hindi awtorisadong backride.


Habang 11,509 motorcycle riders naman ang sinita kahit na sila’y mag-asawa o magpartner, dahil naman sa walang nakakabit na barrier sa kanilang motor.

Una nang pinalawig ang deadline para maka pagkabit ng awtorisadong barrier sa mga motor na mula sa dating July 19, 2020 ginawa nang July 27, 2020.

Babala ng JTF COVID Shield na pagkalipas ng palugit na ibinigay ay magiging istrikto na ang PNP sa pagpapatupad ng restrictions sa mga gumagamit ng motor.

Facebook Comments