Mga nahuling pasaway na lumalabag sa ECQ, halos 136,000 na

Hindi nauubusan ng mga pasaway na nahuhuli ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar na mula Marso a-17 hanggang kahapon Abril a-20 umabot na 136,517 ang mga nahuli sa buong bansa sa ECQ at curfew violations.

Sa bilang na ito, 98,986 ang pinauwi din matapos pagsabihan at 6,168 naman ang pinag-multa.


2,467 naman sa mga nahuli ang nananatiling nakakulong at 7,115 ang na-kasuhan sa pamamagitan ng electronic-inquest, habang 24,248 naman ang for regular case filing.

Samantala, 732 ang naaresto dahil sa pagho-hoard at pagbebenta ng mga overpriced medical equipment.

Una nang nagbabala si Eleazar na maaring manatili sa bilangguan ang mga violators na nasampahan ng kaso sa pamamagitan ng electronic inquest hanggang sa matapos ang ECQ dahil sarado ang mga korte at hindi sila makakapag-piyansa.

Facebook Comments