Mga Nai-ambag ng DBP sa Probinsya, Ibinida sa Ginanap na Blessing

Ilagan City, Isabela- Masayang idinaos ang blessing ng Development Bank of the Philippines Ilagan branch kahapon ganap na alas diyes ng umaga, Enero 26, 2018.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Gregorio Marvic Uanan ang pagbasbas sa nasabing sangay ng bangko na dinaluhan ng kanilang matataas ng opisyal gaya ni President/CEO Cecilia C. Borromeo at Executive Vice President Fe Susan Z. Prado.

Naging panauhin din sa nasabing kaganapan sina Hon. Faustino “Bojie” Dy III, gobernador ng lalawigan ng Isabela, at Ilagan City Vice Mayor Vedasto Villanueva.


Sa ibinahaging talumpati ng gobernador, kanyang ipinagmalaki na ang DBP ang kauna-unahang bangko na tumaya at nakipagsapalaran dito sa lalawigan ng Isabela.

Aniya, malaki ang naiambag ng nasabing bangko sa pag-unlad ng agrikuluta, pagpapatayo ng mga pampublikong pasilidad, mga tulay at mga kalsada sa lalawigan.

Ayon naman kay DBP President/CEO Borromeo, kasalukuyang inihahanda na ng nasabing DBP Branch ang programa nito tungkol sa solid waste management na makatutulong umano sa lokal na pamahalaan upang maiwasan ang paglala ng problema sa basura.

Facebook Comments