Mga Naimprentang Balota – Halos 13 Milyon Na

15

MANILA – Umakyat na sa 13.1 Million ang printed ballots sa National Printing Office (NPO).Pero 5.1 Million pa lang dito ang dumaan na sa Vote Counting Machines (VCM) para sa proper verefication.Muli namang pinawi ni COMELEC Chairman Andres Bautista ang pangamba ng publiko hinggil sa mga balotang inulit ang imprenta dahil sa maling pagkakaputol ng papel.Giit ni Bautista, insignificant na ang mahigit 71,000 rejected ballot dahil mahigit isang milyon naman ang naililimbag nila kada araw.Tiniyak naman nitong hindi mailalabas sa npo ang naturang mga balota dahil sisirain ito upang hindi na magamit sa anumang posibleng pagtatangkang makapandaya.Samantala, pinadagdagan na ng COMELEC ang mga makina at verifiers upang mapabilis ang pag-imprenta ng mga balota.

Facebook Comments