Mga naimprentang balota, ililipat sa Comelec warehouse sakaling tuluyang ma-postpone ang Barangay at SK Elections

Walang itatapon ang Commission on Elections (Comelec) na anumang election paraphernalia sakaling tuluyang ma-postpone ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Disyembre.

Iginiit ni Comelec chairman George Erwin Garcia, na kanilang ilalagay sa warehouse ng Comelec sa San Pedro, Laguna ang election materials na kanilang binili.

Ang mga naimprenta naman na mga balota sa National Printing Office (NPO) ay ilalagay rin sa warehouse ng Comelec upang mapangalagaan.


Magagamit naman daw kasi ito sa susunod na taon sakaling matuloy ang Barangay at SK Elections.

Facebook Comments